ANG KULTURA NG MGA ILOKANO
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa ating kababayan na mga Ilokano o Iloko. Sa iyong patuloy na pagbabasa sa sanaysay na ito, ika'y mamumulat sa mga kakaibang paniniwala at tradisyon na mayroon ang mga Ilokano. Ika'y lubos na magkakaroon ng ideya sa kanilang mga nakasanayang gawin. Ang mga Ilokano naman ay naninirahan sa malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Rehiyon ng Ilocos at ilang bahagi ng Rehiyon ng Cagayan. Kilala ang mga Ilokano sa pagiging masinop, masipag, at madiskarte dahil ang mga likas na yaman sa kanilang lugar. Ang pangkat etniko sa Pilipinas na ito ay may matibay na pagkakaisa at sinisikap mapanatili ang katutubong kultura. WIKA Ang salitang Ilocano o Ilokano ay nagmula sa salitang Iloko (arkaic Spanish form, Yloco), ang pagsakop ng i- (ibig sabihin ay 'ng') at 'look' (ibig sabihin ay 'bay'), na ang ibig sabihin ay 'mula sa bay' sa Ilocano. Ang mga lalaki ay tinutukoy na Ilocano o Ilokano samantalang ang mga babae ay tinata