ANG KULTURA NG MGA ILOKANO

 Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa ating kababayan na mga Ilokano o Iloko. Sa iyong patuloy na pagbabasa sa sanaysay na ito, ika'y mamumulat sa mga kakaibang paniniwala at tradisyon na mayroon ang mga Ilokano. Ika'y lubos na magkakaroon ng ideya sa kanilang mga nakasanayang gawin.


Ang mga Ilokano naman ay naninirahan sa malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Rehiyon ng Ilocos at ilang bahagi ng Rehiyon ng Cagayan. Kilala ang mga Ilokano sa pagiging masinop, masipag, at madiskarte dahil ang mga likas na yaman sa kanilang lugar. Ang pangkat etniko sa Pilipinas na ito ay may matibay na pagkakaisa at sinisikap mapanatili ang katutubong kultura.

WIKA

 Ang salitang Ilocano o Ilokano ay nagmula sa salitang Iloko (arkaic Spanish form, Yloco), ang pagsakop ng i- (ibig sabihin ay 'ng') at 'look' (ibig sabihin ay 'bay'), na ang ibig sabihin ay 'mula sa bay' sa Ilocano. Ang mga lalaki ay tinutukoy na Ilocano o Ilokano samantalang ang mga babae ay tinatawag na Ilocana o Ilokana.

Ang wikang Ilokano ngayon, bukod sa gamit ito bilang 'lingua franca' ng Hilagang Luzon ay kilala rin itong heritage language ng estado ng hawaii. Ito ay sa kadahilanang maraming Filipino-Amerikano na may dugong Ilokano at marami sa mga nauna nang sakada (mga pilipino nagpunta sa Amerika noong panahon ng pananakop) ay dugong Ilokano at di nakapag sasalita ng tagalog.

Idagdag pa na sa loob ng libu libong taon ay napayaman ang bokabularyo ng wikang ito. Sa katotohanan, ang Iloco ang pinakamatandang wika sa Pinas at isa sa mga pinakamayamang bokabularyo. Sinasabi ng mga eksperto na ang wikang Iloco ay may kompleto na bokabularyo bago pa dumating ang Kastila ngunit nawala ito sa gahum ng wikang banyaga.

Tunay na mayaman ang wikang Iloco dahil may nga salita itong panumbas sa ibang dayuhang na hindi natutumbasan ng tagalog, ang kinikilalang lingua franca raw ng Pilipinas. Isa na ang 'region', tinatawag na rehiyon ng mga tagalog ngunit sa Ilocano ay "deppaar."

Sa Honululo ngayon ay may sinimulan na layunin ang mga anak at kaapuapuhan ng mga naunang sagada. Ito ang pagpapalawak ng salitang Ilocano at ang paghihikayat sa mga ilocano sa pilipinas na gamitin at ituro ito sa mga anak. Nakita nilang nasa panganib ang wika dahil sa propaganda ng mga tagalista na naglalayong patayin ang lahat ng wika sa pilipinas maliban sa Tagalog.

Ang itinuturo na wika sa unibersidad ng Hawaii bilang isang kurso ay ang Ilocano at eto rin ang tanging wika sa pilipinas na Heritage Language sa Hawaii. Tinataya ring may humigit kumulang na 20 milyon na nagsasalita ng ilocano sa buong mundo.

Ang Ilokano ay may kaugnayan sa wika ng Indonesian, Malay, Fijian, Maori, Hawaiian, Malagasy, Samoan, Tahitian, Chamorro, Tetum at Paiwan. Ilokano ang pangunahing wika na ginagamit ng 95% ng populasyon na may kabuuang 594,206 noong 2000. Ang iba pang wika na ginagamit sa lalawigan ay Tagalog, Pangasinense, Bisaya, Ingles, Kannkanai, Tinggian at Muslim.

PANINIWALA AT TRADISYON

Tuwing araw ng mga patay ay kasama sa kultura ng mga ilocano,ang pag hahain ng handa upang iloy i-alay sa mga namayapang myembro ng pamilya tinatawag itong "atang" sa ilocano.Ang pag a-atang kasabay ng dasal ay tinatawag na "luwalo" ang paraan ng pag gunita sa mga namayapang mahal sa buhay,makakatulong sa mga kaluluwang mapanatag at makamit ang matiwasay na pamamahinga sa kamay ng panginoon.

Pagtapos ng kasal ay merong seremonya na tinatawag na saka, dito pinapasalamatan ang kanilang sponsors. Ang huling seremnoya ay ang mangik-ikamen n kung saan isang matandang babae at lalaki ay kakanta ng dal-lot. Sa kantang ito ay sinasabi ang saya at lungkot ng magasawa pati na rin ang dapat at hindi dapat gawin ng magasawa.

LINGGUWISTIKO


Ang Ilocano o Iloko ay isang katutubong wika na nagmula sa bansang Taiwan kung saan ginagamit ang Austronesian Languages.

Ayon sa kasaysayan ng mga taong mula sa Madagascar, Indonesia, Philippines, Taiwan at Pacific islands ng Melanesia, Micronesia at Polynesia ay nag umpisa na naglakbay at tumira sa bansang Pilipinas bago madiskubre ito ni Ferdinand Magellan noong 1521.
Nadala ng mga tao ang Austronesian Languages sa bansang Pinas, na hanggang ngayon ay ginagamit ng ibang Pilipibo, tulad ng katutubong wika na Ilocano o Iloko.

Ang Ilocano ay mayroong sariling sistemang panulat o iskripto na tinatawag na Kur-itan o Kurdita. Bago pa man tayo masakop ng mga espanyol ay mayroon ng mataas na kakayahang magsulat at bumasa ang mga Ilocano gamit ang Kur-itan.

Marami ang pagbabago na nangyari sa wikang Ilocano o Iloko mula ng dumating ang mga mananakop na espanyol at amerikano sa bansa. Sa madaling salita ang katutubong wikang Ilocano o Iloko ay isang pidgin na kalaunan ay naging Creole.
 
KAALAMAN SA ILOKANO 

Ang panitikan ay tinitignan bilang isang dokumentong panlipunan dahil ayon kay Richard G. Moulton ay isang kombinasyon ng sining at pilosopiya. Marami ang nakasulat tungkol sa mga Ilokano nguni't iilan lamang ang nakakaintindi sa kanila. Halos lahat ng panitikan ng mga Ilokano ay "nadumihan" na ng mga Kastila at nilagyan ng mga Kristiyanong isipan. Upang makamit ng isang bansa ang sarili nilang identidad, kinakailangan ipahayag ng mga indibidwal na tribu ang kaninilang mga identidad. Unti unting nawawala ang identidad ng mga pre-kolonyal na Ilokano dahil sinunog ng mga Kastila ang lahat ng nakasulat na panitikan, ang pasalitang tradisyon na lamang ang nagsasagip sa tunay na panitikang Ilokano. Ang mga ilokano ay mapamaraan at masipag. Sila ay elastiko dulot ng kanilang lokasyon at sasukdulang panahon na kanilang dinadanas. Mahilig sila mag-ipon na minsan ay tinitignan ng mga hindi ilokano na pagiging kuripot. Ang mga Ilokano ay mayroon malawak na paniniwala at ugali na kanyang ginagamit sa pakikitungo. Sa pisikal na kaanyuan, halong Malay at Mongoloid ang Ilokano. Maraming mga pre-kolonyal na paniniwala ang pinanatili ng mga Ilokano. Sa kabuuan, ang mga Ilokano ay taimtim na relihiyoso,masiglang manggagawa, at mahusay na mandirigma. Parating dala ng Ilokano ang kanyang Ilokanong tauhan - kapayakan, kababaang-loob, relihiyoso, katipiran, at ang kanyang industriya.


KUNTING DAGDAG IMPORMASYON

Alam niyo ba na ang sikat na pintor na si Juan Luna ay isang Ilocano? Pati na rin si Leona Florentino?

Si Juan Luna ay isang sikat pintor na pinanganak sa Badoc, Ilocos, Philippines noong Oktubre 23, 1857. 
Habang si Leona Florentino ay tinaguriang “Ina ng Panitikang pambabae sa Pilipinas” at unang makatang babae ng Ilocos Sur. Ang kanyang mga gawa ay na nakasulat sa Espanyol at Ilocano. Isinilang sa Vigan, Ilocos Sur noong Abril 19,1849


Mga Komento